CJ POLITICS

TRABAHO PARTYLIST NAGPAABOT NG PAKIKIDALAMHATI SA MGA KATOLIKO AT PAG-ALALA SA KALAYAN NG MANGGAGAWA BUNSOD NG LUMALALANG HEAT INDEX


TRABAHO PARTYLIST NAGPAABOT NG PAKIKIDALAMHATI SA MGA KATOLIKO AT PAG-ALALA SA KALAYAN NG MANGGAGAWA BUNSOD NG LUMALALANG HEAT INDEX
“We mourn the passing of Pope Francis”, isinulat ng pro-labor reform na grupo sa kanilang 106 TRABAHO Party List Facebook page nitong Lunes bilang pakikidalamhati sa lahat ng Katoliko.

Kalakip ng nasabing mensahe ay ang larawan ng Santo Papa at sipi mula sa kanyang homily patungkol sa kabanalan ng trabaho bilang pinakaunang bokasyon ng tao.

Sa mga salita ni Papa Francisco, “Ito ang pinakaunang bokasyon ng tao: magtrabaho. At ito rin ang nagbibigay ng dignidad sa tao- siyang dignidad na naghahalintulad sa kanya sa Panginoon. Ang dignidad ng pagtatrabaho ay kabanalan.”

Ani ng TRABAHO, ang mga turo ng Santo Papa patungkol sa dignidad ng trabaho at importansiya ng katarungang panlipunan ay ang magsisilbing kanilang mga gabay.
TRABAHO PARTYLIST NAGPAABOT NG PAKIKIDALAMHATI SA MGA KATOLIKO AT PAG-ALALA SA KALAYAN NG MANGGAGAWA BUNSOD NG LUMALALANG HEAT INDEX
Kasunod nito ay ipinanawagan ng grupo ngayong Miyerkules na magpatupad na agad pribado at pampublikong sektor ng kani-kanilang safety adaptation plan bunsod ng patuloy na pagtaas ng temperaturang nararanasan ng bansa.


Naitala na nga ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamataas na 5-day heat index ngayong Abril 23, 2025 matapos pumalo sa 50°C-52°C o ang temperatura sa kalakhang Maynila at CALABARZON.

Naghuhudyat ang nasabing temperature ng hindi lamang basta panganib, kundi matinding panganib o “extreme danger” sa kalusugan at buhay ng mga Pilipino.
TRABAHO PARTYLIST NAGPAABOT NG PAKIKIDALAMHATI SA MGA KATOLIKO AT PAG-ALALA SA KALAYAN NG MANGGAGAWA BUNSOD NG LUMALALANG HEAT INDEX
Suhestiyon ng grupo na isama ang alternative work arrangement sa safety plan pati na rin ang pagbibigay ng mga ng sapat at naayon na protective uniform laban sa init at polusyon sa mga mangaggawa. Pwede rin i-adjust ang working hours ng mga manggagawa ngunit dapat parte ng bayad na oras ang kanilang mga maiikling oras para sa pahinga, pagpunta sa lilim at pag-inom ng tubig upang sila ay marehydrate.

Bilang 106 sa balota, layunin ng TRABAHO Partylist na tutukan ang kondisyon ng mga manggagawa hindi lang laban sa mga maling panuntunan, kundi pati na rin ang pangangailangan ng mga manggagawa bunsod ng pabagu-bagong panahon.(CJ/TRABAHO Press Release)

- Calbayog Journal, April 24, 2025.


-, April 24, 2025




The Calbayog Journal (also known as CJ)
is an on-line news service covering Eastern Visayas area.
CJ aims to offer unbiased coverage of the people and events in Eastern Visayas.



(c) 2015 - 2019