Nitong Lunes, tao sa taong nakipag-usap ng abugadong lider ng TRABAHO Partylist sa mga mangaggawa sa Lungsod ng Navotas, kung saan ang karamihan ay mga “seasonal employees”.
Ayon sa ating Labor Code, ang mga seasonal employee ay mga empleyadong ang trabaho ay sang-ayon sa panahon, at ang tagal ng kanilang trabaho ay nakadepende rin sa haba or tagal ng nasabing panahon [work or engagement is seasonal in nature and the employment is only for the duration of the season]. Dahil nakadepende sa panahon ang haba ng trabaho ng mga seasonal employee, may mga buwan na sila ay nawawalan ng panggastos.
Determinadong punuan ng TRABAHO partylist, bilang 106 sa balota, ang kawalan ng kita ng mga seasonal employee sa pamamagitan ng mga hanapbuhay tuwing off-season.
“Dapat po tulungan natin itong mga manggagawa na nawawalan ng trabaho during off-season kaya ang isa po sa aming mga isinusulong na programa ay ang pagbibigay po ng alternative na sources of income pamamagitan po ng job placement services at livelihood programs,” paghihimok ni TRABAHO nominee Atty. Johanne Bautista.
Sa pahayag sa kanilang official Facebook page na 106 TRABAHO Party List, nagpasalamat ang grupo sa Inter-Island Deep Sea Fishing Association sa pag-oorganisa ng mga pagpupulong kasama ang mga manggagawa sa ilalim ng mga kompanyang nakapaloob rito, pati na rin sa matinding suporta sa kanilang mga adhikain.
Kasabay ng tumitinding kampanya ng grupo sa mga isinusulong nilang labor reforms ay nakapagtala silang muli ng pagtaas ng pwesto sa pinakahuling SWS survey.(CJ/Trabaho Press Release)
- Calbayog Journal, March 29, 2025