CJ POLITICS

MGA REPORMA NG TRABAHO PARTYLIST SOSOLUSYONAN ANG ISANG KAHIG, ISANG TUKANG PAMUMUHAY


MGA REPORMA NG TRABAHO PARTYLIST SOSOLUSYONAN ANG ISANG KAHIG, ISANG TUKANG PAMUMUHAY
Hinimok ng TRABAHO Partylist ang mga taga-Zamboanga del Norte na suportahan ang kandidatura nito sa Kongreso upang maisabatas nila ang kanilang mga repormang sosolusyonan ang isang kahig, isang tukang pamumuhay ng mga Pilipino.

“Gusto naming makapag-ipon kayo. Pag-uwi niyo sa bahay hindi na kayo mamomoblema kung saan ninyo kukunin ang pang-emergency niyo. Kaya sana po inyong suportahan ang 106 TRABAHO Partylist,” pagwiwika ni TRABAHO nominee Ninai Chavez sa ginanap na Kuyog Ta! Grand Proclamation Rally ngayong buwan ng Abril.

Matapos ang mga talumpati, pormal na itinaas ng Team Kuyog Ta at Team I Lab U ang mga kamay ng TRABAHO nominee na siya ring bukod-tanging partylist na kasama sa sortie.

Ang mga nasabing partido ay pinangungunahan ni Dipolog City Mayor Dexter Uy na kasalukuyang tumatakbong gobernadora.

Bahagi ng plataporma ni Uy na palakasin pa ang programang pangkabuhayan, turismo at health services sa Zamboanga del Norte na kakatigan ng TRABAHO sa kongreso.

Maliban sa pagpapasalamat sa liderato at suporta ni Uy, pinasalamatan din ni Chavez ang libu-libong mga residenteng dumagsa sa nasabing pagtitipon pati na rin sa motorcade na ginanap noong umaga.

“Napakainit po talaga ng pagtanggap niyo sa amin kaya po kanina nung nagmomotorcade po kami. Talagang hindi ko mapigilan ngumiti kasi kayo po mismo nung sinasalubong niyo kami, nakangiti kayo sa amin. Kaya maraming, maraming salamat po!,” aniya.

Maging si Uy ay nagpasalamat sa kanilang mga taga-suporta: “Daghang salamat sa tanang katawhan sa Zamboanga del Norte sa inyong mainitong suporta ug aktibong pag-apil. Kamo ang inspirasyon sa among padayon nga paningkamot para sa tinuod nga kausaban ug maayong panggobyerno.”

Bilang 106 sa balota, ang TRABAHO ay nagsusulong ng mga repormang makatutulong para sa mga manggagawa gaya ng mas mataas na sahod, karagdagang mga benepisyo, at patas na oportunidad sa trabaho.(CJ/TRABAHO Press Release)

- Calbayog Journal, April 19, 2025.


-, April 19, 2025




The Calbayog Journal (also known as CJ)
is an on-line news service covering Eastern Visayas area.
CJ aims to offer unbiased coverage of the people and events in Eastern Visayas.



(c) 2015 - 2019