CJ POLITICS

JOB OFFER: ‘TRABAHO O MABAHO?’ -MELAI


Nag-upload si Melai Cantiveros-Francisco ng content na pinamagatan niyang “Trabaho o Mabaho” sa kanya mga social media account ngayong araw, Abril 8.

Kwela ngunit makabuluhan ang nasabing content sapagkat inilarawan dito ang mga pangkaraniwan ngunit paulit-ulit na ginagamit na istilo ng panloloko sa mga manggagawa at mga naghahanap ng trabaho.

Kasama sa kanyang halimbawa ng job scam ay ang mga “too good to be true offer” tulad nito:

“Hired agad! Walang interview! Kita P50,000 kada linggo! Click the link below!”

Isa pang klase ng job scam ay yung mga nanghihingi muna ng investment, deposito o paunang bayad gaya ng “No work, easy money! Mag-invest ka lang ng P5,000 at mag-recruit ng lima!”

Maging sa mga nagnanais maging OFW (Overseas Filipino Workers) ay may paalala rin ang host na huwag agad maniniwala sa mga recruiter na nanghihingi ng placement fee lalo na at wala naman itong lisensya o tamang mga accreditation. Hirit ni Cantiveros-Francisco sa mga job scam, mas mabaho pa ang mga ito kaysa bad breath.

Kung nangangamoy “mabaho” umano ang alok na trabaho ay siguradong scam o panloloko lamang ito kung kaya’t hindi dapat patulan ayon kay Cantiveros-Francisco.

Ang kanyang adbokasiyang labanan ang mga job scam, na isang uri ng fake news, ay sinususugan rin umano ng TRABAHO Partylist na kakampi ng mga mangagagawang Pilipino sa pagsisiguro ng kanilang ligtas at patas na working condition.(CJ/TRABAHO Press Release)

- Calbayog Journal, April 08, 2025


-, April 8, 2025




The Calbayog Journal (also known as CJ)
is an on-line news service covering Eastern Visayas area.
CJ aims to offer unbiased coverage of the people and events in Eastern Visayas.



(c) 2015 - 2019